Namukadkad muli ang Rafflesia speciosa, ang itinuturing na “world’s largest flower,” sa Sibalom Natural Park (SNP) na nasa bayan ng Sibalom sa lalawigan ng Antique.
Kilala ito sa lokal na pangalan na “Uruy” at “Karay-a.”
Sa ulat ng Philippine News Agency noong February 22, 2023, sinabi ni SNP Protected Area deputy superintendent Joery Oczon na natuklasan ang pamumukadkad ng Rafflesia speciosa bloom sa loob ng SNP noong isang linggo.
Ang SNP ay matatagpuan sa Mt. Porras, Barangay Imparayan, Sibalom.
Paliwanag ni Joery, “The world’s largest flower blooming season is during the months of February to March, that is why there were flower blooms that were found.”
Idinagdag din niya na maaaring masilayan ng mga turista ang Rafflesia speciosa kung bibisita sa SNP.
Ang rare flower ay kulay reddish-orange.
Isang unique character nito ay masangsang na amoy nito na parang nabubulok na karne.
Kapag nakabuka, umaakit ito ng mga insekto kaya itinuturing ang Rafflesia na “best agent of pollination.”
Maaari itong lumaki nang hanggang 56 centimeters o 22 inches ang diameter kapag todo na ang pamumukadkad.
READ ALSO: Marinduque Brown Deer na inakalang naubos na ang lahi, muling namataan
Ang naturang bulaklak ay unang natuklasan ng Antique Outdoors, isang grupo ng mountaineers, sa SNP noong 2000.
Pinangalanan ito ng botanist ng Philippine National Herbarium of the National Museum of the Philippines na si Dr. Julie Barcelona.
Ang Rafflesia speciosa ay itinuturing na endemic sa Panay Island.
Ayon kay Joery, ang SNP na may lawak na 6,778.44 hectares at idineklarang natural park sa ilalim ng Republic Act 11038 ay binuksan ng Municipality of Sibalom noong March 1, 2022 bilang tourism destination.
Tahanan din ito ng Philippine Warty Pig, Visayan Tarictic Hornbill, Visayan Walden’s Hornbill, at ng Visayan Spotted Deer.
READ ALSO: Meet George, ang Visayan spotted deer na naging family pet noong 60s
Aniya, “The SNP is being patrolled by the Bantay Gubat. Some are volunteer women patrollers."
Ang ilan sa mga ito ay umaasiste rin sa mga turista bilang tour guides.